Gretchen a hot topic in Twitterverse
Journal.com.ph:
NAGAWA pa ring maagaw ni Gretchen Barretto ang atensyon ng televiewers nang biglang umeksena sa Pilipinas ang kanyang karakter bilang Ashi Behati sa TV series na Princess and I ng ABS-CBN na napapanood gabi-gabi after TV Patrol.
Ang nasabing ‘surprise visit to Manila’ ni La Greta ay agad nakipagsabayan sa matitinding usapan ng fans ng show. Sa katunayan, maging sa Twitter, kung saan madalas trending topic ang mga eksena at characters ng Princess and I, ay pinag-uusapan rin si Ashi Behati at ang muling pangangalaga niya sa anak na si Dasho Jao (Enrique Gil).
Sa pagka-hot topic ng pagbisita ni Behati, iba’t ibang reaksyon ang bumuhos sa Twitter mula sa mga masugid na tagasubaybay ng show.“
“@DJKathXstrology: Go Ashi Behati! Ilayo mo si Jao kay Mikay.”
“@fontanillakat: I smell something fishy with the alliance of Ashi Behati and Gino’s Mom.”
“@ellalaaaaaaa: I’m excited to see Gretchen dressing-up, abandoning her Yangdon costume! She is surely stunning.”
“@MaxineFernandez: Welcome to the Philippines Ashi Behati! I love you so much. Salamat naman at dumating ka na!”
Gayundin, marami sa viewers ang nakaabang na sa fashion trends na ipauuso ni Gretchen bilang Behati na nakatakdang gulatin ang lahat sa kanyang ‘Manila royalty look.’ Matatandaang lumikha ng ingay at higit na kuminang ang pagka-fashionista ni La Greta sa nakaraan niyang top-rating Kapamilya seryeng Magkaribal.
Ang Princess and I ay pinagbibidahan din nina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos at Daniel Padilla.
* * *
PINALAKPAKAN nang todo sa trade launch ang teaser ng bagong programa ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart na mapapanood sa mapangahas nitong timeslot sa prime-tanghali simula July.
Tampok sa upcoming drama series ang kauna-unahang pagtatambal nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap na bibigyang buhay ang mga karakter nina Maya at Mr. Lim na mula sa unang pagtatagpo ay mala-aso’t pusa na ang samahan. Bukod kina Jodi at Richard, tampok rin sa Be Careful With My Heart sina Jerome Perez, Janella Salvador at Mutya Orquia.
Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.
* * *
FOURTH year high school na ngayon ang bida ng Aryana na si Ella Cruz. Pero kahit busy sa taping ng teleserye, malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Ella sa pag-aaral.
“Sa tulong po ng show namin, sana ma-inspire silang magpursige para pumasok araw-araw at gawin ang best nila sa school, mapa-academics man or extra-curricular man, tulad ng swimming na sport ni Aryana sa kuwento,” pagbabahagi ng dalagita.
Alam ni Ella na mataas ang expectations sa kanya ng publiko bilang mabuting role model sa mga batang fans kaya lalo niyang pinagbubuti ang kanyang trabaho.
“Nakaka-pressure po, pero kaya kong gawin ang best ko para sa kanila,” wika pa niya.
Si Paul Salas at Dom Roque ang dalawang binatilyong nag-aagawan kay Aryana sa series. Si Michelle Vito naman ang gumaganap na kontrabidang half-sister niya.
Kasama rin sa Aryana sina Pokwang, Laurice Guillen, Tonton Gutierrez at Desiree del Valle.
* * *
PARA sa mga gusto akong sundan sa aking Twitter account, i-follow n’yo lang ang @leobukas. Puwede tayong magtsismisan at puwede n’yo ring itanong sa akin ang mga latest showbiz news.
… Continue here or read more Philippines Showbiz News updates.
Related showbiz terms: Janella Salvador biography ** janella salvador birthday ** jerome perez biography ** janella maxine salvador biography ** latest showbiz news with gretchen barretto in instagram **
