Eula to create trouble
Journal.com.ph:
O, AYAN at dumating na nga ang pinakaaabangang bagong tauhan na diumano’y magiging sanhi ng bagong kontrobersiyang sasakop sa mga pangunahing tauhan ng top series na Walang Hanggan.
By now, we all know who she is. Eula Valdez, that’s who.
Wow, isn’t this a big compliment for Eula, since ’di pa naman, wika nga, natatapos ang airing ng kanyang kasalukuyang afternoon series, Mundo Man ay Magunaw, heto at may kapalit na agad siya?
Kunsabagay, if an actress delivers what’s needed sa role na kanyang ginagampanan, never will she find herself jobless.
In any case, how Eula will create havoc sa wari mo’y ’di na nga masolusyunang problema, lalo na nina Emilia (Dawn Zulueta) at Marco (Richard Gomez), heto at madadagdagan pa sa pagsipot ng katauhan ni Eula.
* * *
Guess why tuluyan nang naghiwalay sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, lalo’t things naman were all right with them, especially nu’ng nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.
Sabi nga ni Jason, ’di niya naisip na one day soon, ang relasyon nila na nagsimula naman ng maganda ay mauuwi sa hiwalayan.
Ayon kay Jason, ugali na nila ni Melai, noong sila pa, ang magkulitan. Na kung bakit nauuwi sa pikunan. Pikunang nauuwi sa asaran at mga ilang araw na ’di pagbabati.
Eh, para raw kay Jason, malaking bagay o problema ’yong ’di sila nagbabati ni Melai. Kaya, kapag daw nagbati sila, sasabihin niya, tama na nang ’di na nga sila magkaproblema.
Pero, nauulit ito nang nauulit. Until one day, they just found themselves not on speaking terms.
Itinatanggi niyang may kinalaman si Kaye Abad sa desisyon niyang huwag nang tuluyang makipag-areglo kay Melai. Obviously, tinanggap naman ito ni Melai after a while.
Pero, nagkaroon nga ba talaga siya ng pagkagusto kay Kaye and vice-versa?
“Naku, wala talaga,” ang mariing sagot ni Jason. “Naging mabuti nga lang kaming magkaibigan dahil nagkasama kami sa Angelito, Batang Ama.”
Jason nga pala is happy na magbubukas ang pangalawang aklat ng Angelito, Batang Ama, with JM de Guzman still playing the title role. Charee Pineda is JM’s leading lady.
Since intact nga ang pananatili ng ilan pang mga tauhan ng series, nakatitiyak si Jason na mapapasamang muli sa teleserye.
Isa pang magandang balita, nagkabati na sila ni Melai. At bagama’t bilang magkaibigan na lang ang kanilang relasyon, sapat na raw ito kay Jason.
Kung may higit daw siyang gustong panatilihin nila ni Melai ngayon at magpakailanman, ito ay ang kanilang pagiging magkaibigan.
* * *
Pareho ngang katatapos lamang ng kani-kanilang relasyon sa iba nang ma-realize nila na may gusto sila sa isa’t isa at humantong sa kung ano na sila ngayon — more than friends.
We are, of course, referring to Gab Valenciano and Coleen Garcia, na dati’y kilala lang bilang endorser ng isang tea drink, pero ngayon, mainstay na ng It’s Showtime, on ABS- CBN.
As we all know, bago naging sina Gab at Coleen, naging ka-on ni Gab si Isabel Oli, na sinasabi namang current apple of the eye ni James Yap.
Coleen said her former boyfriend is not from showbiz.
On how both Gab and Coleen describe their relationship, they said: “We are happy and contented.”
… Continue here or read more Philippines Showbiz News updates.
Related showbiz terms: dawn zulueta bikini ** eula valdez ** charee pineda bikini ** eula valdez bikini ** eula valdez hot ** walang hanggan **
