Anne to appear in ‘America’s Next Top Model’
Journal.com.ph:
Kinumpirma ni Anne Curtis na lalabas siya sa America’s Next Top Model sa ETC sa April 30. Sa followers niya sa Twitter ipinaalam ang magandang balita.
Tweets nito: “The cat is out of the bag. I can finally announce it! Yes, I will be in ANTM wearing the beautiful gowns of Francis Libiran” at “Just so you all know I will not be a contestant, a judge or a mentor. Francis was chosen as the featured designer & he chose me to wear his designs here in the Phils. when they cover his work. Thank you Francis for choosing me!!!”
Ang latest tweet ni Anne ay “I wonder what @tyrabanks will say when she sees the pictures. NERVOUS!! Pasado kaya ako sa kanya as a model? Saaabeeh!!!”
Nagsuot na si Tyra Banks ng gown ni Libiran sa isang dinaluhan nitong event, kaya knows na niya ito. Well, congratulations Anne, after mag-concert, aapir naman siya sa ANTM.
* * *
Napakainit last Saturday, umabot ng 35.9 degrees celsius ang klima sa Metro Manila, pero si Marian Rivera, nag-shoot ng TVC kasama ang ilang big stars.
Kung anong produkto ito, saka na ninyo malalaman dahil bawal pang isulat.
Anyway, nagsu-sorry si Marian dahil hindi siya makakasama sa BF na si Dingdong Dantes na pupunta sa Malaysia para mag-promote ng Endless Love na pinalalabas doon.
Mula nang mag-pilot ang soap, araw-araw itong nagti-trending sa Twitter sa Malaysia, kaya para magpasalamat, pupunta roon si Dingdong.
Dapat kasama si Marian pag-alis ni Dingdong sa April 26, kaya lang magsisimula na siyang mag-taping ng comedy show niyang Tweets for Sweets sa April 24. Sunud-sunod ang taping niya dahil kundi magbabago, May 5 ang pilot nito.
Sobrang excited si Marian na makatrabaho si Roderick Paulate na ’di pa niya makalimutan ang mga eksena sa Petrang Kabayo.
Hindi niya alam kung kakayanin ang magkasamang puwersa nina Roderick at Nova Villa na parehong mahusay na komedyante. Pero alam niyang marami siyang matututunan sa dalawa.
* * *
Ang pagre-resign ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central ang isa sa mga itinanong kay John “Sweet” Lapus sa presscon ng The Mommy Returns.
Wala pa siyang alam na makakapalit nito bilang isa sa mga host ng show, buti na lang daw at kasama na nila si Jennylyn Mercado.
Umaasa si Sweet na makakasama nila si Rufa Mae sa anniversary ng Showbiz Central kung saan may mga new segment silang ilu-launch.
Samantala, si Sweet na ang nagpapatunay na maganda at nakakatawa ang The Mommy Returns ng Regal Entertainment na showing sa May 9.
Kahit kontrabida ang role, alam niyang hindi siya kaiinisan ng moviegoers, kundi matatawa pa.
* * *
May magandang balita sa Alice Bungisngis, pero sabi ni Direk Mark Reyes, two weeks pa bago nila ipaalam kung ano ito.
Tama ba kami na tungkol sa extension ng fantaserye nina Bea Binene, Jake Vargas, Lexi Fernandez at Derrick Monasterio?
Nangunguna sa rating sa kanyang time slot ang Alice…, sinusubaybayan ng viewers lalo na ng mga bata, kaya tama lang na ma-extend ng ilang weeks.
… Continue here or read more Philippines Showbiz News updates.
Related showbiz terms: anne curtis ** anne curtis bikini ** anne curtis womens health ** ann curtis ** anne curtis 2012 ** anne curtis bikini 2012 ** anne curtis latest pic ** anne curtis twitter ** ann curtis and erwan ** gowns of anne curtis **
