Aiza now plays a mother
Journal.com.ph:
Puro tawanan ang nangyari sa presscon ng Be Careful with My Heart last Tuesday night. Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Richard Yap at Jodi Santamaria at kasama rin sa cast sina Divina Valencia, Gloria Sevilla, Aiza Seguerra, Mutya Orquia, Robert Ortega at mga baguhang sina Jerome Ponce at Janella Salvador mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.
Panalo ang rebelasyon ni tita Divina na may nakaraan pala sila ni Eddie Gutierrez.
Natanong kasi sa mga cast kung sino ang kanilang first romance at sinabihang “please be careful with my heart” at ang sagot ng veteran actress, baka raw magalit sa kanya si Annabelle Rama.
Apparently, si Eddie ang “first romance” ni tita Divina. Hindi talaga matapos ang sigawan ng press dahil parang ngayon lang ito na-reveal at mukhang pati si Annabelle ay hindi ito alam.
“Mas nauna ako sa billing, take note,” say ni Tita Divina na ang ibig sabihin pa rin, mas nauna siya kesa kay Annabelle.
So, si Eddie rin ang sinabihan niya ng “please be careful with my heart”?
“Ayoko nga siyang (Annabelle) magalit sa akin dahil ayoko siyang makaaway. Natatakot ako!” say niya ulit kaya tawanan na naman ang press.
First teleserye ni Tita Divina sa ABS-CBN ang Be Careful w0ith My Heart after a long, long time. Last appearance pa raw niya sa Kapamilya network ay noong martial law pa kaya you could imagine kung ilang dekada na ang nakalipas.
Nang bumalik siya sa showbiz recently ay pinangarap na raw niyang makabalik sa ABS-CBN at laking pasasalamat niya na natupad na ito ngayon at sana nga raw ay magtuluy-tuloy.
Sa mga hindi nakakaalam, si Tita Divina ay dating aktres noong dekada ’60 at ’70, anak niya ang dating sumikat ding young actor na si Dranreb Bellesa na ngayon ay masaya na raw na namumuhay sa piling ng pamilya.
Ginagampanan ni Tita Divine sa serye ang papel na ina ni Sylvia Sanchez at lola ni Jodi.
* * *
Heto pa ang isang nakaaaliw na topic sa nasabing presscon – Aiza is playing a mother role for the first time.
Kapatid siya ni Jodi rito pero isa rin siyang ina dahil may anak siyang eight-year-old.
Sigawan nga ang lahat nang sabihin ni Aiza na “ito po ang una kong soap na mother role na ako. Opo, naggu-grow din ako bilang isang artista. So, nanay na may tattoo at kalbo.”
Natanong nga rin si Aiza kung paano siya napapayag at aniya ay nagulat na lang daw siya na may anak pala ang role niya.
“Medyo nagulat ako ru’n kasi hindi ako na-inform about having a kid. Nu’ng naka-oo na ako, saka lang (sinabi) na ‘uy, may anak ka pala.’ Siyempre, nagulat lang ako na sa edad ko na 28, may mother role na ako. So, okay lang. Kasi akala ko noong una, medyo weird ang dating, pero hindi pala,” she said.
Asked kung in real life ay nakikita rin ba niya ang sarili na magkakaroon ng anak, say niya, “Why not? May matres ako, why not?”
May time frame ba siya tungkol dito?
“Ako kasi ang klase ng tao na hindi nagbibigay ng time frame sa sarili. I don’t really plan things. Kung dumating, dumating. Feeling ko sa tamang panahon, malalaman ko ’yun.”
Mas gusto ba niya ang mag-adopt o ’yung galing talaga sa kanya?
“Well, why not? Sayang, eh. But adoption is okay, I mean, it’s also good to adopt pero iba rin ‘yung galing sa akin,” sey pa niya.
Magsisimula na sa July 9 ang Be Careful with My Heart sa Prime Tanghali time slot, bago mag-It’s Showtime.
Ito rin ang kauna-unahang pagtatambal nina Richard at Jodi at sa totoo lang, sa trailer pa lang ay kapansin-pansin na ang napakalakas na kilig factor ng dalawa kaya naman ngayon pa lang, hinuhulaan nang maghi-hit ang seryeng ito.
… Continue here or read more Philippines Showbiz News updates.
Related showbiz terms: jerome ponce biography ** jerome ponce wikipedia ** jerome ponce wiki ** jerome ponce bio ** jerome ponce abs cbn ** how old is jerome ponce ** jerome ponce abs ** biography of janella salvador ** biography of jerome ponce **
